Friday, 25 January 2019

Ang Alamat ng Lapis

ISINULAT NI GIA DANICA C. DOMINGO

Noong unang panahon ay may isang makisig na binatang nakatira sa bulubundukin. Siya ay si Lando. Sa kabila ng kanyang pagiging masipag at mabait ay may taglay siyang kapansanan bilang isang pipi kaya inilayo siya sa kapatagan ng kanyang magulang upang hindi makutya ng iba.

            Isang araw ay nangaso sa kagubatan si Lando at hindi inaasahang nakarating malapit sa batis at nakita niya ang isang magandang dilag na naglalaba. Agad na nabighani ang damdamin ni Lando, nais sana niyang makilala ang dalaga ngunit nahihiya siya dahil sa kanyang kapansanan. Ilang araw ang lumipas ngunit hindi makalimutan ni Lando ang ang dalaga. Sa isip niya, paano siya magpapakilala kung siya ay isang pipi. Nang nakakita siya ng isang tangkay na sunog, at dahil naturuan naman siyang magbasa at sumulat ng kanyang magulang ay sinubukan niyang sumulat sa puting bato gamit ang sunog na tangkay. Pagkatapos, agad siyang nagpakilala sa dalaga na Pising ang pangalan. Doon na nag – umpisa ang kanilang pagmamahalan. Tinanggap ni Pising ang pagmamahal ni Lando dahil sa ipinakitang kasipagan, kabaitan at totoong pagmamahal bagamat siya ay may kapansanan. Sa huli, sila ay nag – isang dibdib at nakaroon ng pamilya. Naging masaya ang kanilang buhay. At dahil sa sunog na tangkay, nag – umpisa ang simbolo ng kanilang pag – iibigan at tinawag nila itong “Lapis” na hango sa umpisa ng kanilang mga pangalan.

No comments:

Post a Comment