Friday, 25 January 2019

Ang Alamat Ng Ballpen

Noong unang panahon, may isang batabg lalaki na nangangalang Penpen. Siya ay pasaway, may matigas na ulo, at mahilig magnakaw ng gamit ng ibang tao. Si Penpen ay palaging nagtatae at may mabilog na mukha. Isang araw, tumawag ang paaralan sa ina ni Penpen. Sinabi ng paaralan na nagnakaw nanaman siya lapis at kuwaderno ng kakalase niya para kopyahin niya.
Pag-uwi nila ng bahay ay magdamag ang ina na pinagsasabihan si Penpen ng buong hapon hanggang sa gabi pero hindi naman ito panapakinggan ni Penpen at binalewala lang. Sa sumunod na araw, si Penpen ay pumasok na ng paaralan. Pagkatapos, may ibinalita sa TV na mamaya daw ng gabi ay may dadating na malakas na bagyo. Ilang oras ang lumipas at nagsimula ng kamidlat ng malakas, oras na rin ng uwian ni Penpen pero hindi pa siya umuuwi.
Nagsimula nang mag-alala ang ina ni Penpen kaya pumunata siya sa paaralan at hinanap siya ngunit hindi mahanap ang ina si Penpen kaya nagtanong siya sa mga kaklase ni Penpen. Sinabi nila na huling nakita daw nila nakita si Penpen sa playground. Pumunta doon ang ina ni Penpen, nagsimula na rin na umulan
Sa wakas, makarating na rin ang ina ni Penpen sa playground at nakita ang mga gamit ni Penpen nakakalat sa paligid. Hinanap  si Penpen ng ina sa buong lugar pero hindi siya mahanap ng ina. Habang patuloy pa rin na hinahanap si Penpen may naapakan ang ina at tinignan ito. Mukha itong katulad ng lapis, may pabilog na katawan, may matulis na dulo sa isa pero ito at nagtatae ng maiitim na sulat. Nagsimula nang umiyak ang ina dahil biglang naalala niya si Penpen nung pagkita niya ng gamit na ito. Sa huli hindi na nahanap si Penpen at yung gamit na nahanap ng ina ni Penpen ay simula nun ay tinawag na ballpen.

Ang Alamat ng Lapis

ISINULAT NI GIA DANICA C. DOMINGO

Noong unang panahon ay may isang makisig na binatang nakatira sa bulubundukin. Siya ay si Lando. Sa kabila ng kanyang pagiging masipag at mabait ay may taglay siyang kapansanan bilang isang pipi kaya inilayo siya sa kapatagan ng kanyang magulang upang hindi makutya ng iba.

            Isang araw ay nangaso sa kagubatan si Lando at hindi inaasahang nakarating malapit sa batis at nakita niya ang isang magandang dilag na naglalaba. Agad na nabighani ang damdamin ni Lando, nais sana niyang makilala ang dalaga ngunit nahihiya siya dahil sa kanyang kapansanan. Ilang araw ang lumipas ngunit hindi makalimutan ni Lando ang ang dalaga. Sa isip niya, paano siya magpapakilala kung siya ay isang pipi. Nang nakakita siya ng isang tangkay na sunog, at dahil naturuan naman siyang magbasa at sumulat ng kanyang magulang ay sinubukan niyang sumulat sa puting bato gamit ang sunog na tangkay. Pagkatapos, agad siyang nagpakilala sa dalaga na Pising ang pangalan. Doon na nag – umpisa ang kanilang pagmamahalan. Tinanggap ni Pising ang pagmamahal ni Lando dahil sa ipinakitang kasipagan, kabaitan at totoong pagmamahal bagamat siya ay may kapansanan. Sa huli, sila ay nag – isang dibdib at nakaroon ng pamilya. Naging masaya ang kanilang buhay. At dahil sa sunog na tangkay, nag – umpisa ang simbolo ng kanilang pag – iibigan at tinawag nila itong “Lapis” na hango sa umpisa ng kanilang mga pangalan.